^

Probinsiya

Online seller, 1 pa arestado sa droga!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang drug suspects na itinuturing na regional high value individuals (HVI) ang inaresto ng mga otoridad matapos mahulihan ng high grade marijuana o kush sa isang joint buy-bust operation sa Cainta, Rizal kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director PBrig Gen. Wilson Asueta, mula sa District Drug Enforcement Unit (DDEU), nakilala ang mga naarestong suspek na sina Henny Convera, 27, online seller; at Celyn Delos Reyes, 26, isang BPO customer service operator, at kapwa residente ng San Andres, Cainta, Rizal at itinuturing na No. 5 at 9 Regional HVI.

Nabatid na dakong alas-8:00 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa isang buy-bust operation sa kanilang tahanan.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga otoridad sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t isinailalim sa serye ng surveillance.

Nang makumpirma ang ulat ay kaagad na silang nagkasa ng buy-bust operation, sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa kanila ang isang transpa­rent ziplock na may lamang suspected high grade dried marijuana na humigit-kumulang sa 36 gramo ang timbang at 17 “cosmik karts” cartridge na nag­lalaman ng clear vials ng hinihinalang kush oil na nasa humigit-kumulang sa 17 ml.

Ayon sa EPD, sa kabuuan, aabot sa P169,400 ang halaga ng mga ilegal na droga na nakumpiska mula sa mga suspek.

vuukle comment

ARRESTED

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with