^

Probinsiya

Jail officer itinumba sa harap ng misis

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines — Patay ang 43-anyos na jail officer matapos barilin ng ‘di pa kilalang gunman habang kasama ang kanyang misis sa Sto Tomas City, Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Leonardo Caronan, residente ng Villa De Pio Subdivision., Barangay San Miguel, Sto. Tomas City at nakatalaga sa Cabuyao City Jail sa ilalim Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Laguna.

Ayon sa report, magsasara na sana si Caronan ng kanyang mini grocery kasama ang kanyang asawa nang biglang dumating ang isang suspek at pinaputukan ito ng ilang beses bandang alas-8:00 ng gabi.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo patungo sa Maharlika Highway.

Naisugod pa si Coronan sa St Cabrini Medical Hospital pero binawian din ng buhay bandang alas-8:50 ng gabi.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo at ang nasa likod ng krimen. 

vuukle comment

BJMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with