^

Probinsiya

Hired killer, ‘tulak’ utas sa drug ops

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

7 pang suspek huli sa Jolo

MANILA, Philippines — Patay ang dala­wang hinihinalang kasapi ng gun-for-hire at drug group habang arestado ang ptiong iba pa sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng mga awtoridad sa Jolo, Sulu, kamakalawa ng gabi.

Sa pangunguna ni PLt. Col. Annidul Sali, ng Jolo Municipal Police katuwang ang 4th Regional Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion BaSulTa, Intelligence Unit ng Sulu Police Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Bangsamoro Autonomous Region, napatay sa operasyon sina Julman Damming Hasanan alyas “Julman”, 37-anyos, at Alnajer Damming Hasanan alyas “Alnajer”, 34-anyos.

Narekober sa crime scene mula sa dalawang napatay ang isang cal.45 pistol na may tatlong bala, isang cal.45 pistol na may apat na bala, dalawang medium packed transpa­rent plastic sachet na may hinihinalang shabu na may halagang P54,400, mga drug paraphernalia at iba pang ebidensiya.

Kalaboso naman ang iba pang nadakip na suspek na sina Moises Abdulahab Saidul alyas Mos, 51; Parasat Aming Sangkula alyas Pal, 57; Ibrahim Sarani Hasanan alyas Ibs, 30; Fadzramier Asanan Saidul alyas Fadz, 19; Alvin Asdali Bitung alyas Alvin, 40; Jayson Saddi Pereyra alyas Jay, 25  at Alnaser Abdurasul Alamhali, alyas Lam, 38.

Lumilitaw na isinagawa ang anti-drug operation sa Lady Ann Drive, Barangay San Raymundo bandang alas-7:45 ng gabi.

Nakaramdan umano sina Julman at Alnajer na pulis ang kanilang katransaksyon kaya agad nilang pinaputukan ang opera­ting officers sanhi ng engkuwentro na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa at pagkakahuli ng pitong iba pa.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 14 maliliit na heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang 2 gramong shabu na  nagkakahalaga ng P14,280, P500 buy-bust money, limang bukas na transparent plastic sachet, drug paraphernalia at iba pang ebidensiya.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with