^

Probinsiya

Lider ng drug group, 1 pa nasakote

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lider ng drug group, 1 pa nasakote
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jonathan Eti Albufuera alias  “Toto Tae”, na sinasabing lider ng “Albufuera Drug Group” at ang miyembro nito na si Reynaldo Ordiz Sunglao alias “Rey Ipot”, kapwa nasa listahan ng mga high value individual (HVI) ng pulisya.
File

CAVITE , Philippines — Arestado ang lider ng isang kilabot na drug syndicate at isang miyembro nito sa inilatag na drug bust ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Cavite City.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jonathan Eti Albufuera alias  “Toto Tae”, na sinasabing lider ng “Albufuera Drug Group” at ang miyembro nito na si Reynaldo Ordiz Sunglao alias “Rey Ipot”, kapwa nasa listahan ng mga high value individual (HVI) ng pulisya.

Sa ulat, dalawang magkasunod na operas­yon ang inilatag ng pulisya matapos makumpirma na positibong nagtutulak ng droga ang mga suspek.

Unang operasyon ay ikinasa sa Brgy. 42C  Cavite City, kung saan target ng pulisya ang pinakalider ng grupo na nakuhanan ng may mahigit sa 5-gramong shabu.

Agad na isinunod ng mga operatiba ang ka­nilang operasyon laban sa miyembro ng sindikato dakong alas-9:45 ng gabi sa Brgy. 43 ng nasabing lungsod kung saan nalambat si Sunglao.

Nakumpiska rito ang may mahigit sa 2-gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

ARRESTED

CAVITE CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with