^

Probinsiya

939 ‘Wanted’ sa Mimaropa, nalambat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga operatiba ng pulisya sa Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) matapos nilang masakote ang 939 na wanted persons kaugnay ng puspusang operasyon laban sa mga pugante ng batas, ayon sa isang opisyal nitong Sabado.

Sa report ni P/Brig. Gen. Joel Doria, Director ng Police Regional Office (PRO) IV B na sumasaklaw sa nasabing mga probinsiya, kabilang sa mga nasakote ay ang 243 katao na nasa klasipikasyon ng “most wanted” o mga nakagawa ng mabibigat na krimen.

Inihayag ng opisyal na ang nasakoteng 939 most wanted ay sa loob ng limang buwang walang puknat na operasyon o mula Enero hanggang Mayo ng taong ito.

Binigyang diin ng he­neral na ang kanilang ma­tagumpay na accomplishments ay resulta ng aktibong police community relations na sumusuporta sa lahat ng PNP units na nagsasagawa ng walang humpay na operasyon laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at maging ang mga personalities sa rehiyon.

Sa tala ng PRO-IVB, ang Palawan Police Provincial Police Office (PPO) ang may pinakamaraming nasakote na umaabot sa 334 wanted criminals na sinusundan ng Oriental Mindoro PPO na nasa 236, Occidental Mindoro PPO na ikatlo sa nahuling 159 kataong tinutugis ng batas samantalang ang Puerto Princesa City sa Palawan ang kasunod na nasa 91 ang nahuli, ang Romblon PPO ay nakahuli ng 71 at 48 ang nasakote sa Marinduque.

Kabilang sa mga na­aresto ay ang top No. 4 most wanted person na si Severo Bernas Monte, 46, na nahaharap sa kasong rape.

vuukle comment

ARRESTED

WANTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with