^

Probinsiya

Driver pumalag sa isnatser, patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang 32-anyos na mister makaraang pagbabarilin nang manlaban sa isang snatcher na nang-agaw ng bag nito kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bagtas, Tanza, dito.

Kinilala ang biktima na si Erwin Lomoloy, 32 anyos, part time driver at residente ng  Blk 33 Lot 12 Sec 20, Ph2, Carissa, Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite.

Sa imbestigasyon nina Police Master Sergeant Israel Villela at Police Corporal Nikko Paul Barranco, alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang sakay ang biktima ng kaniyang pu­ting Honda Genio at bumabagtas sa Brgy. Bagtas.

Dinikitan umano ang biktima ng suspek na nakilalang si Jeffrey Mojica Gerpacio, 30-anyos, residente ng Blk 3, L20, Sec 20, Ph 2, Pabahay 2000, Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite, na sakay rin ng itim na motorsiklo.

Nang matapatan, pilit na inagaw umano ng suspek ang bag ng biktima subalit nanlaban ang huli kaya siya pinagbabaril ng salarin.

Duguang bumulagta ang biktima na naitak­bo pa sa MV Santiago Hospital subalit hindi na naisalba pa ng mga doktor.

vuukle comment

ERWIN LOMOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with