^

Probinsiya

Basketball nauwi sa katayan: 1 patay,1 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Basketball nauwi sa katayan: 1 patay,1 sugatan
Kinilala ang biktima na si Mark Adriel Sarmiento na idineklarang dead-on-arrival sa Narra Hospital sanhi ng tinamong malalim na saksak sa kaniyang dibdib habang patuloy na nilalapatan ng lunas ang kaibigan nitong si John David Gesco na nagtamo ng saksak sa bahagi ng kaniyang ulo.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang alitan sa larong basketball matapos na masawi sa pananaksak ang isang player habang isa pa ang nasugatan sa Brgy. Maharlika, San Pedro City, Laguna nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Mark Adriel Sarmiento na idineklarang dead-on-arrival sa Narra Hospital sanhi ng tinamong malalim na saksak sa kaniyang dibdib habang patuloy na nilalapatan ng lunas ang kaibigan nitong si John David Gesco na nagtamo ng saksak sa bahagi ng kaniyang ulo.

Sa report ng Laguna Police, nangyari ang insidente sa Brgy. Maharlika ng lungsod na ito bandang alas-9  ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, nakipaglaro ng basketball ang mga biktima sa hindi pa pinangalanang mga suspect pero nauwi ito sa argumento kaya napilitang ipatigil ang kanilang laro.

Nagdesisyon naman ang dalawang biktima na umuwi na lamang pero pagsapit sa Olympia main road ay sinundan sila ng kanilang mga nakaaway sa basketball game saka sila inatake ng saksak.

Nang duguang bumagsak ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspect na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa lugar.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang dalawa pero nabigo nang masagip ang buhay ni Sarmiento.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation at operation ang mga awtoridad sa kasong ito upang masakote ang mga suspect.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with