^

Probinsiya

Guro, nurse utas sa ambush sa Mindanao

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Guro, nurse utas sa ambush sa Mindanao
Tadtad ng bala ang sasakyan ng mag-asawang Sarifa Kabagani Gulam at Samir Tula Gulam matapos silang tambangan na ikinasawi ng una nitong Biyernes ng gabi sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
John Unson

Cotabato City, Philippines — Patay ang isang lalaking guro at isang babaeng nurse sa magkahiwalay na ambush sa dalawang bayan sa Central Min­danao nitong Biyernes.

Unang napatay ang public school teacher na si Joel Reformado, 36-an­yos, sa pananambang ng mga armadong hindi pa nakikilala nitong Biyernes ng umaga sa tapat mismo ng campus ng Manaulanan Elementary School sa Barangay Manaulanan, Pikit, Cotabato.

Sa salaysay nitong Sabado ni Lt. Col. John Miridel Calinga, hepe ng Pikit Municipal Police Station, magkaangkas sa motorsiklo sina Reformado at ang kapwa niya guro sa pampublikong paaralan na si Elton John Lapined, 37-anyos, nang sila ay pagbabarilin ng mga nakaabang na suspek saka mabilis din na tumakas.

Nagtamo ng mga tama ng bala si Lapined at ngayon ay nasa isang pagamutan na at guwardiyado ng mga pulis para sa kanyang seguridad.

Sa tala ng Police Regional Office-12 at ng 602nd Infantry Brigade ng Philippine Army na may mga tropa sa naturang bayan, hindi bababa sa 40 na ang mga napatay sa mga serye ng pananam­bang sa mga barangay nito sa loob lang ng nakalipas na dalawang taon.

Sa isa pang insidente ng pananambang, sunod na nasawi nito ring Biyernes si Sarifa Kabagani Gulam, 35-anyos, nurse ng Cotabato Sanitarium Hospital sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte.

Sakay si Gulam ng kanilang puting Mitsubishi Montero na minamaneho ng kanyang 35-anyos na mister na si Samir Tula Gulam, mula sa pinagtatrabahuang hospital nang sila ay pagbabarilin ng mga assault rifles ng mga lalaking naka-abang sa gilid ng highway sa Barangay Ungap sa Sultan Kudarat, sakop ng probinsya ng Maguindanao del Norte.

Pauwi na sana sa kanilang tahanan sa San Pablo Village, Cotabato City ang mag-asawa nang sila ay tambangan ng mga suspke.

Ayon kay Lt. Col. Julhamin Asdani, Sultan Kudarat municipal police chief, hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Gulam dahil sa mga tama ng mga bala na tinamo nito habang malubhang nasugatan ang kanyang mister.

Dagdag ni Asdani, ina­alam pa ng kanilang mga imbestigador kung sino ang may kagagawan ng pag-ambush sa mag-asawang Gulam.

vuukle comment

AMBUSH

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with