^

Probinsiya

21 terorista sumuko sa loob ng 5-araw

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umani ng tagumpay ang counter-insurgency program ng pamahalaan matapos na sumuko ang 21 terorista sa loob lamang ng limang araw sa Luzon at Mindanao, ayon sa isang opisyal nitong Sabado.

Sinabi ni Col. Jorry Baclor, chief ng AFP Public Affairs Office kabilang sa mga nagsisuko ay 12 mi­yembro ng New People’s Army at 9 kasapi ng lokal na teroristang grupo. Ang mga ito ay nag-surender din ng 23 na armas at sari-saring kagamitang pandigma.

Sinabi ni Baclor na nitong Mayo 25 ay sumurender ang Abu Sayyaf members na si Ahmad Mawali bitbit ang isang M14 rifle na may isang magazine, 20 rounds ng bala ng 7.62mm sa Joint Task Force Zamboanga sa Malagutay, Zamboanga City.

Bago ito, sumuko naman nitong Mayo 24 ang dalawang NPA rebels na sina Nicolas Francisco Jr. at Angel Tejero sa Lianga, Surigao del Sur gayundin si Renante Buyo sa Davao City.

Noong Mayo 22 ay sumurender ang mga NPA rebels na sina Darwin Requina sa 66th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Davao Oriental na nagsurender din ng apat na armas at apat na anti-personnel mines habang si Pina Ahim Asil ay sumurender naman bitbit ang isang armas sa 12th Special Forces Battalion (SFB) sa South Cotabato.

Samantalang sumunod namang sumurender sa 81st Infantry Battalion sa Camarines Sur ang mga NPA rebels na sina Zorilla Iglip, Rolly Macayan na nagsuko rin ng tatlong armas at 375 bala habang sumurender naman sa 22nd Infantry Battalion (IB) ng Army ang mga NPA rebels na sina Melanie Payra at Rolly Garcia sa Bulan, Sorsogon.

Naitala naman noong Mayo 23 ang pagsurender ng mga NPA members na sina Nelson Odayao, Ruel Montillano at Lea Carilla  bitbit ang kanilang mga armas sa 23rd Infantry Battalion sa Buenavista, Agusan del Norte.

Nasundan ito ng pagsuko ng 8 miyembro ng Abu Sayyaf Group sa pinagsanib na elemento ng 101st Infantry Battalion at 21st Infantry Battalion sa Luuk, Sulu. Isinuko rin ng mga ito ang pitong mga armas.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with