^

Probinsiya

Katiwala ng ‘drug lord’ utas sa raid

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Katiwala ng �drug lord� utas sa raid
Agad nasawi ang sinasabing katiwalang si Mundo Sultan Duma, matapos umanong manlaban sa isinagawang raid ng awtoridad sa bahay ng kanyang umano’y wanted na among drug lord sa Pikit, Cotabato kamakalawa.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Napatay ng magkasa­nib na mga sundalo at pulis ang katiwala ng isang wanted na drug lord matapos na mauwi sa engkuwentro ang pagsisilbi ng arrest warrant laban sa huli nitong Linggo sa Pikit, Cotabato.

Sinabi nitong Lunes ni Lt. Col. John Miridel Ca­li­nga, hepe ng Pikit municipal police, na agad na nasawi sa mga tama ng bala si Mundo Sultan Duma, katiwala ng wanted na si Satur Kabunto.

Habang sinisilbihan umano si Kabunto na wanted sa kasong pag­labag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ng warrant of arrest ng mga kasapi ng Pikit Municipal Police at tropa ng 90th Infantry Battalion sa Barangay Gokotan nang manlaban umano ang una at mga kasamahan nito na naging sanhi ng shootout.

Napatay sa engkuwentro si Duma habang nakatakas si Kabunto at mga kasama.

Inatasan na ni Brig. Gen. Jimili Macaraeg, director ng Police Regional Office-12, ang mga miyembro ng Pikit Municipal Police at mga intelligence officers ng Cotabato Provincial Police Office na magtulungan sa pagtugis kay Kabunto.

Ayon sa mga opis­yal ng 602nd Infantry Brigade at ng 90th IB, si Kabunto, maliban sa pagbebenta ng droga, ay may grupo rin ng mga armadong kalala­kihan na sangkot sa pagnanakaw ng mga kalabaw at baka, at pang-aagaw ng mga motorsiklo.

vuukle comment

DRUG RAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with