^

Probinsiya

Ex-pulis, 3 iba pa huli sa PDEA drug ops 

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Ex-pulis, 3 iba pa huli sa PDEA drug ops 
ProAng dating pulis na si Motin Kidap, Jr. (sa kanan) na nadakip sa anti-drug operation ay nasa kustodya na ng PDEA 12.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Apat na mga tulak ng shabu, isa sa kanila da­ting pulis, ang na-entrap sa dalawang hiwalay na operasyon ng Philippine Drug Enforcement 12 sa Central Mindanao nitong Miyerkules at Huwebes.

Unang na-entrap ng mga agent ng PDEA 12 ang dating pulis na si Motin Kidap, Jr. sa isang entrapment operation nitong Myerkules sa poblacion ng Pikit, North Cotabato.

Natanggal sa hanay ng Philippine National Police si Kidap dahil sa pagkakasangkot sa ibat-ibang kasong kriminal, kabilang na ang pagbebenta ng shabu.

Ayon kay Aileen Lovitos, director ng PDEA 12, agad siyang inaresto ng makapagbenta ng anim na sachet ng shabu sa mga hindi unipormadong mga operatiba sa isang drug deal na isinagawa sa isang lugar sa sentro ng Pikit.

Sa tulong ng mga unit ng Police Regional Office 12, Na-entrap naman ng mga agent ng PDEA 12 nitong Huwebes sa bayan ng Banga sa South Cotabato ang tatlong drug den operators na sina Arlan Delos Reyes, Jonel Manambay at Jezrel Kim Delos Reyes.

Mapayapang nagpa-aresto ang tatlo ng mahalatang mga law enforcement agents na nagpanggap na sugapa sa pinagbabawal na gamot ang kanilang napagbentahan ng P81,600 na halaga ng shabu sa isang liblib na pook sa Barangay Reyes sa Banga, mga 20 kilometers ang layo mula sa Koronadal City na kabisera ang South Cotabato.

Ayon kay Lovitos naka-detine na si Kidap, na isang Maguindanaon, at ang tatlong mga Ilonggo na nalambat sa Barangay Reyes at lahat nahaharap na sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with