^

Probinsiya

2 parak dedo sa road mishap

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 parak dedo sa road mishap
Sa unang report, nasawi si Patrolman Jan Julius Añonuevo Avillano, 26-anyos, binata, residente ng Brgy. Sto. Domingo, Irosin, Sorsogon at nakatalaga sa 2nd Police Provincial Mobile Force Company matapos bumangga sa outpost ng guwardya ang minamanehong motorsiklo nito sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Purok-1, Brgy. Buenavista sa Irosin, Sorsogon kamakalawa ng madaling araw.
STAR/File

IROSIN, Sorsogon, Philippines — Dalawang pulis ang nasawi matapos ang magkahiwalay na aksidente sa daan sa Irosin, Sorsogon at lalawigan ng Cavite, ayon sa pulisya kahapon.

Sa unang report, nasawi si Patrolman Jan Julius Añonuevo Avillano, 26-anyos, binata, residente ng Brgy. Sto. Domingo, Irosin, Sorsogon at nakatalaga sa 2nd Police Provincial Mobile Force Company matapos bumangga sa outpost ng guwardya ang minamanehong motorsiklo nito sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Purok-1, Brgy. Buenavista sa Irosin, Sorsogon kamakalawa ng madaling araw.

Sinubukan pang isu­god ng mga rumespondeng rescue team ng bayan sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay ang nasabing pulis.

Samantala, patay rin si Police Corporal Randy Atilano Ramos, nakatalaga sa Presidential Security Group (PSG) sa Malacañang makaraang sumalpok sa puno sa gilid ng kalsada kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Alilio Drive, Brgy. Upli, Alfonso, Cavite.

Sa imbestigasyon ni P/Master Sergeant Elmer Mendoza, ala-1:12 ng madaling araw kahapon habang sakay ang biktima ng kaniyang CF Moto NK400 na may plate #718UBA at may kabilisan ang takbo nang mawalan ng kontrol sa manibela hanggang sa tuluy-tuloy na sumalpok sa mala­king puno na nasa gilid ng highway.

Agad na naitakbo sa Tagaytay Medical Center si Cpl. Ramos subalit idineklara itong dead-on-arrival dahil sa matinding pinsala sa ulo nito. - Cristina Timbang, Joy Cantos

vuukle comment

PSG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with