^

Probinsiya

`Sea turtle sanctuary’ ng Pinas may town hall na!

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Ang “sea turtle sanctuary” sa Bangsamoro region na napakalapit sa Malaysia, kung saan Malaysian Ringgit ang perang gamit ng mga residente at mas bihasa silang magsalita ng Bahasa Malayu kaysa Tagalog, ay magkakaroon na ng municipal hall na nagkakahalaga ng P25 milyon.

Nagsimula ang pro­yekto halos dalawang buwan pa lang ang nakakalipas.

Ang P25 million muni­cipal building project sa Turtle Islands, kilala rin bilang “Taganak” ay tinutustusan ng regional government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pamamagitan ng Ministry of the Interior and Local Government.

Ayon kay Mayor Hadji Faisal Jamalul ng Turtle Islands, sila ay nagpapasalamat sa tanggapan ni Minister Naguib Sinarimbo ng MILG-BARMM sa pagkakaloob sa kanila ng municipal building project, isang imprastrukturang matagal na nilang nais makamit.

“Dahil sa proyektong ito, magkakaroon na kami ng isang matatag na simbolo ng local governance dito sa aming island municipality,” pahayag ni Jamalul nitong Sabado.

Marami nang naitayo, nitong nakalipas na dalawang taon, na katulad na mga municipal building ang MILG-BARMM, maliban pa sa mga barangay halls na hindi bababa sa P5 million ang halaga bawat isa, sa iba’t ibang bayan sa mga probinsya ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Sakop ng Tawi-Tawi ang Turtle Islands na nasa hangganan na ng Pilipinas at Malaysia kaya mas gamit ng mga residente doon ang perang Ringgit, o Malaysian currency, kaysa sa Philippine peso bills at coins.

Mas malapit ang Turtle Islands sa Sabah, Malaysia kaysa sa island municipality ng Bongao na siyang kabisera ng Tawi-Tawi.

Ito ang dahilan kaya lahat ng produktong ibinebenta sa mga tindahan at palengke sa Turtle Islands ay galing sa Malaysia, kabilang na ang mga gulay at prutas.

vuukle comment

BANGSAMORO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with