^

Probinsiya

PRC Bangsamoro service center itatayo

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines —  Maglalagay ng service center ang Professional Regulations Commission (PRC) sa kapitolyo ng Bangsamoro region dito sa lungsod bilang tugon sa kahilingan ng maraming sektor.

Ito ang tiniyak ngayong Sabado ni Muslimin Sema, na siyang labor and employment minister ng Bangsa­moro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang mga residente ng mga probinsyang sakop ng BARMM ay kinakailangan pang magtungo sa mga tanggapan ng PRC sa mga lungsod ng Cagayan de Oro, Davao, Zamboanga at Koronadal kung may transaksyon sa ahensya.

Ayon kay Sema, na siyang pinuno ng Moro National Liberation Front, nakipagpulong na sa kanya hinggil sa naturang usapin nitong Miyerkules ang director ng PRC sa Region 12 na si Rotelo Cabugsa at mga senior staff nito.a

“Tinungo nila ang aking tanggapan sa BARMM capitol at doon aming napag-usapan ang planong pagtatatag ng PRC service center na magsisilbi sa mga residente ng Bangsamoro region,” pahayag ni Sema.

Ang Ministry of Labor and Employment-BARMM na pinamumunuan ni Sema ay sumusuporta sa operasyon ng PRC at tumutulong sa mga residente ng autonomous region na may mga transaksyon dito.

Unang hiniling ni Sema ang paglalagay ng PRC service center sa kapitolyo ng rehiyon sa ginanap na pagpupulong nitong February 24 sa Manila ng mga kasapi ng Intergo­vernmental Relations Body na binubuo ng mga representatibo ng Malacañang at ng Bangsamoro government na magkatuwang na isinusulong ang Mindanao peace process.

Ayon kay Cabugsa, ang pinakasentro ng magiging operasyon ng kanilang pinaplanong service center sa BARMM ay ang pag-proseso ng mga professional licenses, pagpapa-rehistro para sa mga professional examinations at pag-issue ng ibat-ibang mga dokumentong kinakailangan ng mga licensed professionals. 

vuukle comment

PRC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with