^

Probinsiya

Ginang na nanalo sa STL, anak todas sa pamamaril

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na mapapaki­nabangan ng isang ginang ang kanyang napa­nalunan sa Small Town Lottery (STL) ma­tapos pagbabarilin at mapatay kasama ang kanyang anak ng mga hindi pa nakikila­lang suspek sa Talisay City, Negros Occidental.

Dead on the spot  sina Shirley Española, 50 at anak na si Jason, 28 habang sugatan naman ang anak ni Jason na 7-an­yos pawang re­sidente ng Hda. Le­desma, Brgy. Mata­b-ang, Talisay City, Negros Occidental.

Batay sa report ng  Talisay City Police Station, naganap ang krimen nitong Martes, ilang metro ang layo sa tahanan ng mag-ina sa nasabing lugar.

Sa salaysay ng mi­sis ni Jason na si Victoria Española, nanalo ang kanyang biyenan ng P3,000 sa STL kaya nagpasama ito sa anak  sa palengke.

Habang naglalakad, sumulpot ang hindi pa kilalang suspek at pinagbabaril ang  mag-ina na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agarang kamatayan ng mga ito.

Nagtamo naman ng sugat sa katawan ang bata kaya agad itong isinugod sa ospital para lapatan ng lunas.

Sa pagresponde ng mga otoridad sa lugar na pinangyarihan ng krimen, nakapulot sila ng mga basyo ng kalibre .45 at isang bala na hinihinalang ginamit sa krimen.

Inaalam naman ng pulisya kung may ki­na­­laman ang pamamas­lang sa kasong child abuse na isinampa kay Jason na sandaling nakakulong, subalit nakalaya rin. 

vuukle comment

STL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with