^

Probinsiya

P10.8 milyong puslit na yosi nasabat

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P10.8 milyong puslit na yosi nasabat
Kinilala ang mga naaresto na  sina Rannie Navaja Solatorio, Madlan Aquilan Salapudin, at Cayetano Mulde Dabon, sa isang lugar sa Barangay Tiguma sa Pagadian City na agad ikinulong ng walang maipakitang mga dokumento para sa mga imported na sigarilyong kanila sanang ipapasa sa isang contact sa lungsod.
STAR / File

COTABATO CITY, Philippines — Nakumpiska ng mga pulis sa Pagadian City ang nasa P10.8 milyon halaga ng sigarilyong gawa sa Indonesia na ipinasok sa bansa ng walang kaukulang clea­rance mula sa Bureau of Customs (BOC).

Kinilala ang mga naaresto na  sina Rannie Navaja Solatorio, Madlan Aquilan Salapudin, at Cayetano Mulde Dabon, sa isang lugar sa Barangay Tiguma sa Pagadian City na agad ikinulong ng walang maipakitang mga dokumento para sa mga imported na sigarilyong kanila sanang ipapasa sa isang contact sa lungsod.

Inanunsyo ng Police Regional Office 9 na nasa kustodiya ng Pagadian City Police Office ang mga sigarilyong imported na nasamsam noong Biyernes mula sa apat na maghahatid sana nito sa isang negosyante gamit ang isang refrigerated van upang hindi mahalata.

Nasabat ng pinagsa­nib na mga operatiba ng Zamboanga City police ng PRO-9, ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office at mga agents ng Criminal Investigation and Detection Group ang 310 na malalaking kahon na may lamang sigaril­yong Union ang brand dahil sa mga tip ng mga residente hinggil sa modus na pagpapapasok ng smuggled na sigarilyo sa lungsod gamit ang mga refrigerated van.

vuukle comment

CIGARETTES

SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with