^

Probinsiya

Drug den sinalakay, 3 arestado

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Drug den sinalakay, 3 arestado

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang naaresto nang salakayin ang isang drug den ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Zone-5,Brgy.Triangulo, Naga City, Camarines Sur. kamakalawa ng tanghali.

Sinampahan ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang mga suspek na sina Ismael Aboral Honorio, 52,electrician at maintainer ng drug den; Alvin Bien Nieves, 30, kawani ng Naga City Public Safety Office; at Mark Dave Elgo Bien, 30, isang OFW.

Sa ulat, alas-11:20 ng tanghali sa tulong ng mga kasapi ng Camarines Sur Police Provincial Office at Naga City Police Office-Station 5 ay inilatag ng mga kasapi ng PDEA ang buy-bust laban kay Honorio. Nang iabot ang biniling droga sa poseur buyer ay agad inaresto ito at pinasok ang bahay na ginagawang drug den kaya kasamang dinampot ng mga operatiba ang bisitang public officer at OFW.

Sa ginawang paghalughog ay nakuha sa drug den ang apat na sachet ng shabu na tumitimbang ng 10-gramo na nagkakahalaga ng P68,000 at iba’t-ibang drug paraphernalia.

vuukle comment

ARRESTED

DRUG DEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with