^

Probinsiya

NPA rebel todas, kasama nadakip sa engkuwentro

Roel Pareño - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napatay ang isang rebeldeng NPA habang naaresto at nasugatan ang kasamahan nito matapos makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa bayan ng Calamba, Misamis Occidental.

Sa ulat ni Lt. Gen. Roy Galido, commander ng Western Mindanao Command (Westmincom) na alas-4:41 ng hapon nang makasagupa ng 10th Infantry Battalion ang hindi mabilang na dami ng New People’s Army (NPA) rebels sa ilalim ng pamumuno ng Guerilla Front Sendong sa Sitio Kandusan, Barangay Siloy.

Tumagal ang palitan ng putok sa kalahating oras na ikinasawi ng isang rebelde kaya umatras ang mga kasama patungo sa bulubundu­king lugar na hinihinala na may mga nasugatan.

Nasugatan din ang isang sundalo habang nagpapalitan ng putok.

Nang magsagawa ng clearing operation ang tropang sundalo ay naaresto nila ang nasugatang rebelde na si Joel Tomas, alias Jef Jef at ang bangkay ng kasama nito na kinilalang si Jony Del Pilar Sayas, alias El-El.

Umapela ang Westmincom commander sa natitira pang NPA rebels at kanilang supporters sa Misamis Occidental na sumuko na lamang dahil patuloy ang pagsasagawa nila ng military operations.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with