^

Probinsiya

Chief of police ng Bulacan, utas sa tandem!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Chief of police ng Bulacan, utas sa tandem!
SJDMC, Bulacan COP Lt. Col. Marlon Serna

P1.2 milyong reward, alok vs killers

MANILA, Philippines — Patay ang chief of police ng San Miguel, Bulacan matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem nang magresponde ang pulisya sa nagaganap na nakawan sa nasabing bayan, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Police Lieutenant Colonel Marlon Serna na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo.

Ayon kay Bulacan Provincial Police Office director PCol. Renie Arnedo, nangyari ang insidente dakong alas-9 ng gabi matapos na makatanggap ng report  ang San Miguel Police na may nagaganap na nakawan sa Brgy. San Juan, San Ildefonso, Bulacan.

Dahil sa tawag ng tung­­kulin, agad na nag­res­ponde ang mga pulis kabilang si Serna na mismong hepe at naabutan nila sa lugar ang da­lawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa Buhol na Mangga.

Sa halip na sumuko, pinagbabaril ng mga suspek ang mga pulis na nagresulta sa pagkakabaril kay Serna na nasapol ng bala sa ulo.

Nabatid na isang 17 anyos na lalaki rin ang nadamay at sugatan sa pamamaril.

Matapos ito, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksiyon.

Inutos na ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang follow-up operations upang madakip ang mga suspek at mapanagot sa krimen.

Dito agad nagkasa ng manhunt operation at naglagay ng checkpoint sa boundary ng lalawigan si Col. Arnedo.

Kaugnay nito, nag-alok na ng P1.2 milyong pabuya ang Department of Interior and Local Government (DILG), Phi­lippine National Police (PNP), at Bulacan government sa sinumang makapagtuturo sa mga killers ni Serna.

Ayon kay PNP Police Regional Office 3 director Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr., ang P300,000 ay mula sa kanilang tangga­pan; P500,000 mula sa tanggapan ni Interior Sec. Benjamin Abalos Jr., P200,000 sa PNP at ka­ragdagang P200,000 mula naman kay Bulacan Governor Daniel Fernando. - Omar Padilla at Mer Layson

vuukle comment

PATAY

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with