^

Probinsiya

Bakbakan ng 2 grupong Moro, muling sumiklab: 3 patay

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Bakbakan ng 2 grupong Moro, muling sumiklab: 3 patay
Tatlo diumano ang nasawi sa grupo ni Nayang Teman at isa naman ang sugatan sa mga tauhan ng kalaban nitong si Datu Kente Matalam, ayon sa mga saksi, ngunit wala pang kumpirmasyon hinggil dito ang Pagalungan Municipal Police at ang 602nd Infantry Brigade ng Army na sakop ang naturang bayan.
STAR / File

Daan-daang sibilyan nagsilikas

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Muling nagkaengkwentro kahapon ang dalawang armadong grupong Moro sa isang liblib na barangay sa Pagalu­ngan, Maguindanao na nagsanhi ng paglikas ng daan-daang inosenteng residenteng naipit sa kaguluhan.

Tatlo diumano ang nasawi sa grupo ni Nayang Teman at isa naman ang sugatan sa mga tauhan ng kalaban nitong si Datu Kente Matalam, ayon sa mga saksi, ngunit wala pang kumpirmasyon hinggil dito ang Pagalungan Municipal Police at ang 602nd Infantry Brigade ng Army na sakop ang naturang bayan.

Kilala ang mga Moro na sangkot sa “rido,” o away ng mga angkan sa lenguwaheng Maguindanaon, sa pagtatago sa pulisya, sa militar at sa media ng mga detalye tungkol sa mga nasawing kaanak, o mga tauhan sa bawat engkwentrong gamit ang mga assault rifles at grenade launchers.

Ayon sa mga halal na opisyal, parehong mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front ang magkaaway na grupo. 

Sinasabing nag-ugat ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa balak ni Teman na kalabanin ng kanyang anak si Matalam, kasalukuyang chairman ng Brgy. Kilangan sa Pagalungan, sa darating na 2023 barangay elections.

Una nang nasawi ang isang anak ni Matalam nang salakayin sila ng grupo ni Teman nitong nakalipas na buwan. 

Bunsod ng karahasan, ilang ulit nang nanawagan sa liderato ng MILF at sa Bangsamoro regional government ang mga re­sidenteng apektado ng labanan ng dalawang nasabing grupo at ayusin ang sigalot. 

Ang chairman ng central committee ng MILF, si Ahod Ebrahim, ang siyang chief minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with