^

Probinsiya

2 convenience store, hinoldap ng nagpanggap na customers  

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang convenience store ang magkasunod hinoldap ng mga armadong kalalakihan na nagpanggap na mga customer sa lalawigan ng Cavite at Laguna nitong Sabado ng madaling araw.

Sa ulat ng CALABARZON Police, bandang alas-3:20 ng madaling araw nang looban ng anim na armadong kalalakihan ang 7/11 Convenience Store sa Brgy. Lucsuhin, Silang, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon,  ang mga suspect ay nagpanggap na kustomer na kumuha ng mga tsokolate, sigarilyo at cash na umaabot sa humigit kumulang sa P50,000.

Wala na umanong nagawa ang mga crew matapos silang tutukan ng baril ng mga suspect at mabilis na tumakas lulan ng kulay puting SUV na Toyota Fortuner patungo sa direksyon ng Tagaytay.

Bago ito, dakong ala-1:30 ng madaling araw ay hinoldap din ng nag-iisang armadong suspect ang Alfamart convenience store sa Brgy. Masiit , Calauan, Laguna na binabantayan ng nag-iisang kahera na si Michelle Santos.

Ang suspect na nagpanggap ding kustomer ay kumuha pa ng ilang sachet ng kape at paglapit sa kahera ay saka nagdeklara ng holdap kung saan puwersahang tinangay ang P10,000 cash na mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo patungo sa direksiyon ng Bay, Laguna.

vuukle comment

CAVITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with