^

Probinsiya

Lalaki natagpuang patay sa damuhan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lalaki natagpuang patay sa damuhan
Sinisiyasat ng pulisya ang bangkay ng isang lalaking nakahubad na natagpuan sa madamong bahagi ng Leisure Park ng Sta. Lucia Realty Development sa Tanza City, Cavite.
Maria Cristina Go Timbang

MANILA, Philippines — Isang lalaki na hinihinalang Chinese ang natagpuang patay sa madamong bahagi ng Saddle and Leisure Park ng Sta. Lucia Realty De­velopment sa Brgy. Tres Cruses, Tanza City, Ca­vite kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Tanza Police, alas-7:00 ng gabi nang matagpuan ng ilang estudyante ang nakabalot na biktima.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na isang mestiso at tanging pantalon lamang na nakababa ang suot nito, tinatayang nasa edad na 30 hanggang 40, may taas na 5’5” hanggang 5’6”, nakabalot ng duct tape ang buong ulo nito at nakabalot pa ito sa isang brown na kumot na may mga sugat sa kamay at leeg.

Ayon kay Police Chief Inspector Dennis Villa­nueva, hepe ng Tanza Police, may hinala umano sila na ang biktima ay ang Chinese national na una nang naiulat na kinidnap na tumugma sa deskripsyon sa larawan na hawak ng Anti-Kidnapping Unit.

Bago ang insidente ng pagkakatagpo sa bangkay ng biktima, may naunang report na natanggap ang pulisya hinggil sa isang bahay sa Pacifica Homes, Brgy. Navarro, Gen.Trias na umalingasaw umano ang malansang amoy.

Sa pagresponde ng pulisya ay nakita sa loob ng banyo ng nasabing bahay ang nagkalat na dugo at sa kuwarto ng bahay ay nakuha ang 2 granada.

Hinala ng pulisya na may kaugnayan ito sa pagkakatagpo sa bangkay ng biktima na doon muna unang itinago bago pinatay at itinapon sa nasabing lugar.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with