^

Probinsiya

Singaporean, hulog mula 5th flr ng hotel

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Singaporean, hulog mula 5th flr ng hotel
Kasalukuyan nga­yong inoobserbahan sa pagamutan ang biktimang nakilalang si Angel Tun, 23-anyos, freelancer, kasalukuyang nagbabakasyon sa Pilipinas at nangungupahan sa 201 Spring Plaza Hotel, Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City.
De La Salle University Medical Center Page

Habang may ka-video call sa cellphone

Cavite, Philippines — Nahulog mula sa ika-limang palapag ng hotel ang isang Singaporean national matapos mawalan ng balanse sa pagkakaupo nito sa konkretong wall ng unit ng inuupahang hotel room habang may kausap sa cellphone, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City ng lalawigang ito.

Kasalukuyan nga­yong inoobserbahan sa pagamutan ang biktimang nakilalang si Angel Tun, 23-anyos, freelancer, kasalukuyang nagbabakasyon sa Pilipinas at nangungupahan sa 201 Spring Plaza Hotel, Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:42 ng gabi habang nakaupo ang biktima sa maliit na konkreto sa tapat ng silid nito at may kausap sa kaniyang cellphone at ka-video call, nang maganap ang insidente.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari na occupant din ng nasabing hotel, napansin umano niya ang biktima na nakaupo sa ibabaw ng bato ng konkretong wall ng hotel na medyo delikado.

Tinangka pa umano ng saksi na kunin ang aten­syon ng biktima upang pagsabihan at baka mahulog ito suba­lit dito na niya nakita na nawalan ng panimbang ang dayuhan at tuluy-tuloy na nahulog sa ibaba ng hotel.

Agad na sinaklolohan ng mga hotel management staff ang biktima at mabilis na itinakbo sa Dela Salle University Medical Center.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with