^

Probinsiya

P.5 milyong pabuya, inilaan sa killer ng Tserman sa Cagayan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Umabot na sa kalahating mil­yon o P500,000.00 ang pabuyang naghihintay sa sinuman na makakapagbigay ng anumang impormasyon para matukoy o makilala ang mga suspek na pumaslang sa barangay chairman ng Santo Domingo sa bayan ng Piat sa lalawigang ito.

Ito ay matapos na ihayag ni Governor Mamba na magbibigay siya ng halagang P400,000.00 bilang karagdagan sa naunang pabuya na P100,000.00  para lamang madaling matunton at makilala ang nasa likod ng pagpatay kay Barangay chairman Richard Biraquit, 57,  sa nasabing lugar.

Una rito ay naglaan si Piat Mayor Leonel Guzman ng P100,000.00 sa sinuman bilang pabuya sa anumang impormas­yon na maaaring makaka­lutas sa kaso.

Matatandaan na sakay sa kanyang Toyota Fortuner si Biraquit, kasama ang kanyang misis, nang tambangan sila at pagbabarilin ng mga suspek dakong alas-6:00 ng gabi noong ­Enero 23.

Dead-on-arrival ang biktima sa pagamutan dahil sa mga natamong tama ng bala sa kanyang ulo at iba pang bahagi habang mapalad naman na hindi tinamaan ng bala ang kanyang misis

Si Biraquit ay nakilala bilang Outstan­ding Su­garcane Farmer noong 2016-2017 sa National Gawad Saka Award ng Department of Agriculture at Gintong Medalya Awardee sa Dangal ng Lahing Cagayano ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan noong 2019.

vuukle comment

RICHARD BIRAQUIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with