^

Probinsiya

3 NPA todas sa engkuwentro sa Negros

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang patay sa magkasunod na sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan habang nasa 800 residente naman ang inilikas sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Sa report ng Phi­lippine Army, unang sumiklab ang engkuwentro noong Sabado bandang alas-5 ng gabi sa Brgy. Oringao, Kabankalan City makaraang rumesponde ang mga pulis at kasapi ng 94th Infantry Battalion (IB) sa report na may presensya ng mga armadong kalala­kihan ay nagsasagawa ng pangingikil.

Agad na kumilos ang mga awtoridad  at nang marating ang bulubunduking bahagi ng nasabing lugar, dito na sinalubong ng putok ng mga rebelde ang mga tropa ng pamahalaan na nauwi sa 20-minutong bakbakan.

Linggo ng umaga nang muling magsagawa ng pursuit ope­rations ang tropa ng pamahalaan laban sa mga rebeldeng grupo na nagresulta sa  muling pagsiklab ng sagupaan.

Tumagal ng ilang minuto ang putukan na ikinamatay ng tatlong rebelde habang wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa mga pulis at sundalo.

Narekober ng mga awtoridad sa lugar ang M14 Rifle, .45 caliber pistol,.38 caliber, magazine at bala, backpacks, ibang personal na kagamitan at mga subersibong dokumento.

Ayon naman kay Kabankalan City Mayor Benjie Miranda, nasa 283 pamilya o 822 katao ang inilikas dahil sa bakbakan at pan­samantalang nakasilong sa covered court ng barangay.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with