^

Probinsiya

Dalagang rider sumemplang, pisak sa truck

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Namatay noon din ang 25-anyos na dalaga matapos na sumemplang ang minamanehong motorsiklo at masagasaan ang ulo sa kahabaan ng national highway sa Purok-4, Brgy. Arimbay, Legazpi City, Albay.

Sinubukan pang isugod ang walang malay at duguang biktimang si Erika Muñoz, residente ng Prieto Compound, Brgy. Arimbay, Legazpi City pero idineklarang dead-on-arrival.

Sumuko naman ang driver ng nakasagasang truck na si Simeon Perdon Pua, 52-anyos, ng Brgy.8 Washington Drive ng naturang lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:50 ng gabi, magkasabay na binabagtas ang highway ng motorsiklo ni Muñoz at ng Hino cement mixer truck (EAB-7314) ng Verzontal Construction Company na minamaneho ni Pua na kapwa patungo sa direksyon ng Legazpi City, Proper.

Gayunman, aksidenteng sumemplang ang motorsiklo at pumailalim ang ulo ng biktima sa truck dahilan para masagasaan ito ng hulihang gulong.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with