^

Probinsiya

Mister tinuklaw ng cobra, patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mister tinuklaw ng cobra, patay
Sakay ng ginawang duyan pinagtulungang buhatin ng kanyang mga kabarangay pababa ng bundok ang walang malaytaong biktimang nakilalang si Jessie Ogalesco, 26-anyos, may-asawa at residente ng naturang lugar upang isugod sa pagamutan pero hindi na ito umabot nang buhay.
STAR/ File

PANGANIBAN, Catanduanes, Philippines — Hindi na nagawa pang maisugod sa pagamutan at agad nasawi ang isang mister matapos na matuklaw ng ahas habang nangangahoy sa bulubunduking lugar ng Brgy. Mabini, Pa­nganiban, Catanduanes kamakalawa ng umaga.

Sakay ng ginawang duyan pinagtulungang buhatin ng kanyang mga kabarangay pababa ng bundok ang walang malaytaong biktimang nakilalang si Jessie Ogalesco, 26-anyos, may-asawa at residente ng naturang lugar upang isugod sa pagamutan pero hindi na ito umabot nang buhay.

Ayon sa ulat, dakong alas-11 ng umaga ay umakyat ng bundok ang biktima para mangahoy.

Gayunman, habang naghahanap ng kahoy ay natuklaw ito ng cobra, isang uri ng makamandag na ahas, dahilan para agad itong manghina.

Pinagtulungan pa sanang buhatin ang biktima ng mga residenteng kalalakihan upang isugod sa pagamutan para ma­bigyan ng anti-venom pero halos dalawang oras bago ito naibaba ng kabundukan dahilan ng kanyang kamatayan.

vuukle comment

MABINI

PA­NGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with