^

Probinsiya

2 HVT timbog sa P1.2 million marijuana

Isagani Requizo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang drug suspect na itinuturing na high value target (HVT), ang inaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal nitong Sabado.

Nakapiit na ang mga suspek na sina Anjo Anselmo at Jomarin Pascual na sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police, dakong alas-12:40 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga otoridad hinggil sa ilegal sa aktibidad ng mga suspek, kaya’t tinarget nila sa isang buy-bust operation.

Kaagad namang dinakip ng mga otoridad ang mga suspek matapos na bentahan ng P6,000 halaga ng marijuana sa isang undercover cop sa Barangay San Isidro.

Nakumpiska ng mga otoridad mula sa suspek ang may 12.2 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P1,228,000 at timbangan.

Sa nasabing operasyon, naaresto rin ang dalawa pang lalaki na sina Errol Fritz at Lorenzo Catalon na klasipikado bilang marijuana users.

vuukle comment

ANJO ANSELMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with