^

Probinsiya

Bamboo industry sa Nueva Ecija, pinalakas

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

GABALDON, Nueva Ecija, Philippines — Patuloy na isinusulong at pinalalakas ang industriya ng pagkakawayan sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Kasunod ito sa ginanap na pulong ng Micro Small and Medium Enterprise Development Council (MSMEDC) at Bamboo Industry Development Council (BIDC) sa Nueva Ecija upang malaman ang nagawa nang mga programa gayundin ang mga isusulong pang proyekto na maaaring pagtulungan para sa industriya.

Hangad ng pagpupulong na mapalawig pa ang pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong tanggapan tungo sa pagpapaunlad ng maraming industriya sa lalawigan na kinabibilangan ng pagkakawayan.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Director Richard Simangan, marami pang aabangan na development sa nabanggit na industriya kabilang na ang hangad na mapataas ang kamalayan ng mga mamamayan patungkol sa lokal na produksyon nito.

Aniya, patuloy ang kanilang pagsubaybay sa mga kooperatiba partikular sa mga kailangan sa produksyon, pagbibigay kasanayan at paghanap ng merkado.

Kilala na sa bamboo industry ang “Bambuhay” mula sa bayan ng Carranglan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa gayundin ang grupo ng mga kababaihan sa bayan ng Ge­neral Tinio, NE, na Papaya Kababaihan Sinag Tala (PAKASITA) na ngayon ay katuwang na ng DTI sa pagbibigay ng mga kasanayan sa mga nagsisimula pa lamang sa negosyo.

Kabilang sa mga bayan sa Nueva Ecija na kilala na sa industriyang pagkakawayan ang Bongabon, Carranglan, Gabaldon, General Tinio at Llanera. 

vuukle comment

MSMEDC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with