^

Probinsiya

Ex-pulis, 1 pang ‘tulak’ utas sa buy-bust

Jorge Hallare, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang dating pulis at kasama nito na kapwa sangkot umano sa bentahan ng droga nang makaengkuwentro­ ng mga tauhan ng Phi­lippine National Police-Integrity Monitoring En­­forcement Group (PNP-IMEG) sa ikinasang buy-bust operation kama­ka­lawa ng gabi sa Naga City.

Nakilala ang dating­ pulis na si Cpl. Albert Gumba na sinibak sa serbisyo at isa pang high value target na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Ayon kay Brig. Gen. Warren de Leon, hepe ng PNP-IMEG, nakatang­gap­ sila ng impormasyon­ na sangkot sina Gumba sa transaksiyon ng iligal na droga sa San Isidro, Naga City.

Agad na isinagawa ang buy-bust operation kung saan isang tauhan ng IMEG ang nagsilbing poseur buyer subalit na­katunog umano ang mga suspek na humantong sa shootout.

Bulagta sina Gumba­ at kasabwat nito habang­ nakita sa crime scene ang ilang pakete ng shabu na nagkakahalagang P47,600 at dalawang kalibre 45 na baril.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with