^

Probinsiya

Drug pusher todas sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Drug pusher todas sa buy-bust
Sa ulat, dakong alas-10:34 ng gabi sa koordinasyon sa Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay inilatag ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division 5, Provincial Drug Enforcement Unit, 501st Regional Mobile Force Battalion, City Drug Enforcement Unit, Naga City Police Station 2 at Regional Drug Enforcement Unit 5 ang buy-bust operation laban kay Fernandez.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dead-on-the spot ang isang notoryus na tulak matapos manlaban at makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Zone 4A Claire St, Brgy. Concepcion Pequeña, Naga City, Camarines Sur.

Napuruhan ng pung­­lo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agarang nasawi ang suspek na kinilalang si Angelo Galvez Fernandez, nasa hustong gulang, binata at residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-10:34 ng gabi sa koordinasyon sa Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay inilatag ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division 5, Provincial Drug Enforcement Unit, 501st Regional Mobile Force Battalion, City Drug Enforcement Unit, Naga City Police Station 2 at Regional Drug Enforcement Unit 5 ang buy-bust operation laban kay Fernandez.

Makaraang iabot ng suspek sa poseur bu­yer ang biniling isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P34 libong piso ay mabilis na nagsilabasan ang mga nakakubling kooperatiba para arestuhin ito.

Gayunman,habang papalapit ang mga ope­ratiba ay bumunot ng kanyang baril ang suspek at pinutukan ang mga pulis dahilan para magkaroon nang palitan ng putok hanggang duguang bumulagta ito.

Nabawi mula sa suspek ang limang malalaking plastic sachet na may lamang shabu na may timbang na 45-gramo at nagkakahalaga ng 340 libong piso, isang kalibre 45 baril at mga bala.

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with