^

Probinsiya

P120 milyong shabu nakuha sa African ‘mule’ sa Cebu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Deretso sa kulungan ang isang South African national nang lumapag ito sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) matapos mahulihan ng mga otoridad ng illegal na droga kamakalawa ng hapon sa Lapu-Lapu City.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Pietro Aliquo, 58, at sinasabing nagbabakasyon lamang sa Cebu.

Sa pinagsamang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency in Central Visayas (PDEA-7), Bureau of Customs (BOC), National Bureau of Investigation in Central Visayas (NBI-7), Philippine National Police (PNP), at Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA), naharang nila ang dalawang maleta na dumaan sa x-ray at napansin ang kahina-hinalang laman nito mula South African na dumating sa nasabing paliparan sa pamamagitan ng international flight galing Doha, Qatar.

May timbang na mahigit  sa 17 kilo na shabu at nagkakahalaga ng P120 milyon ang nakuha mula sa suspek.

Agad naman sinuri ng mga tauhan ng PDEA ang bawat pakete at lumabas na positibong nag­lalaman ng methamphetamine o mas kilalang “shabu.”

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with