^

Probinsiya

NHA nagkaloob ng bagong bahay sa 216 pamilyang nasunugan sa Bataan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagkalooban ng bagong bahay ng National Housing Authority (NHA) ang may 216 pamilya na nasunugan sa lalawigan ng Bataan.

Ayon kay NHA Ge­neral Manager Joeben Tai, bukod sa mga nasunugan, nabigyan din ng pabahay ang mga naninirahan sa gilid ng waterways sa Orion, Bataan.

Ang mga ipinama­haging bahay ng NHA na kabibilangan ng anim na three-storey low-rise buildings ay matatagpuan sa 1-Bataan Village Phase 1 project, Brgy. Daan Pare, Orion, Bataan ay may sukat na 27 square meter kada unit.

“Sana po ay maging daan ito ng pagtatagu­yod ng inyong mga pa­milya para sa maayos na kinabukasan ng inyong mga anak. Pagyamanin po ninyo at pahalagahan ang bago ninyong mga tahanan,” pahayag ni Tai.

Ang bagong pabahay ay bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na naglalayong makapagpatayo ng 6 na milyong bahay sa pagtatapos ng termino sa 2028.

Sa hanay ng NHA, target nilang magpatayo ng 1.3 milyong pabahay sa loob ng anim na taon.

vuukle comment

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with