^

Probinsiya

3 magkapatid na babae pinagtataga ng kaanak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

REAL, Quezon, Philippines — Naging madugo ang ginawang pag-iinuman ng tatlong magkakapatid na babae nang pagtatagain sila ng kaanak na lalaki na nagresulta ng pagkamatay ng isa sa kanila at malubhang pagkakasugat ng dalawa, kamakalawa ng gabi sa Purok Rose, Brgy. Poblacion Uno sa bayang ito.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa dami ng tinamong taga sa iba’t ibang parte ng katawan si Rosalinda Silvestre y Senar, may-asawa, may sapat na taong gulang habang patuloy na nilalapatan ng lunas sa Claro M. Recto District Hospital sa Infanta, Quezon dahil sa mga sugat sa katawan sina Kristine Sanchez y Senar, 39  Gigi Ibanez y Senar, 46.

Tinutugis na at si­nampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Joel Ibanez y Dela Cruz, alyas Jimboy, 47, pawang mga residente sa naturang lugar.

Ayon sa ulat ng pu­lis­ya, alas-10:00 ng gabi ay masayang nag-iinuman ang magkakapatid sa bahay ng isang Flora Coronacion nang biglang dumating ang suspek at walang sabi-sabing tinaga si Gigi na bagama’t sugatan ay nagawang tumakbo.

Nang hindi makuntento ay ang dalawa pang kapatid ng una ang pinagbalingang pagtatagain ng suspek hanggang kapwa duguang bumulagta.

Matapos isagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang salarin dala ang gulok at sa kasalukuyan ay ina­alam ng pulisya ang motibo sa pananaga nito.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with