^

Probinsiya

P69 milyong shabu nasabat sa checkpoint

Doris Franche, Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P69 milyong shabu nasabat sa checkpoint
Kinilala ang naaresto na si Mangayao Lapn Mitomara, residente ng Paliparan, Dasmariñas City, Cavite.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nasa P69 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at lokal na pulisya nang kanilang harangin ang isang lalaking lulan ng kotse nitong Martes sa isang checkpoint sa Allen, Northern Samar.

Kinilala ang naaresto na si Mangayao Lapn Mitomara, residente ng Paliparan, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat, tumulong ang Coast Guard District Eastern Visayas at Coast Guard K9 Force sa Allen Municipal Police sa ikinasang joint land interdiction operation sa Brgy. Jubasan, Allen, ng naturang lalawigan.

Nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis at coast guard nang kanilang sitahin ang silver Toyota Vios dahil sa hindi pagsusuot ng seatbelt ng driver nito at wala ring maipakitang rehistro ng sasakyan.

Dahil sa “impoundable penalty” ito, inimbitahan ang suspek sa tanggapan ng Highway Patrol Group-Northern Samar Office para sa beripikasyon.

Nang inspeksyunin ang sasakayn, dito tumambad ang isang eco bag na naglalaman ng 10 bloke ng hinihinalang shabu. Nakabalot ang iligal na droga sa Chinese tea bag wrapper na may label na “Guanyinyang” bilang isa sa paraan para makaiwas sa paghihinala ng mga awtoridad.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with