^

Probinsiya

Tindahan inararo ng trak: Mag-asawa dedo, 2 sugatan

Victor Martin, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Mga sasakyan at bahay nadamay..

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Patay ang mag-asawa habang dalawa pa ang sugatan matapos araruhin ng trailer truck na puno ng saku-sakong fertilizer ang isang tindahan, bahay at mga sasakyan sa gilid ng national highway sa Brgy. Bone South, Aritao ng lalawigang ito, kamakalawa ng tanghali.

Dead-on-the-spot ang mga biktima na sina Frederick Del Mundo, 54, at misis nitong si Gina, 55; pawang residente ng Purok 4, Brgy. Bone South ng nabanggit na bayan.

Malubha namang nasugatan ang obrerong si Reginald Macaslam, 38, may-asawa ng Brgy. Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya, na bumibili lamang sa tindahan.

Sugatan din ang driver ng rumagasang trailer truck na si Jojo Odones, 47-anyos ng Brgy. Caloocan, Cabatuan, Isabela.

Sa ulat ni Police Captain Roger Visitacion, officer-in-charge ng Aritao Police Station, dakong alas-11:30 ng ­umaga nang rumagasa ang Isuzu trailer truck (RMD 336) na minamaneho ni Odones sa may Purok 2, Brgy. Bone South.

Hindi umano nakalkula ni Odones ang palikong bahagi ng highway na naging dahilan para mag-overshoot ito at araruhin ang nakaparadang tricycle (KZ4875) na kolong-kolong, isang itim na Toyota Hilux (NEQ 7641), bahay at mismong tindahan na kinaroroonan ng mag-asawang Del Mundo at Macaslam.

Ang mag-asawang biktima ay kagagaling lamang umanong mag-abono sa kanilang sakahan at kasalukuyan silang nagpapahinga habang nagmemeryenda sa harapan ng tindahan nang maganap ang trahedya.

Agad rumesponde sa lugar ang rescue team ng lokal na pamahalaan ng Aritao subalit hindi na naisalba pa ang buhay ng mag-asawa at isinugod sa pagamutan ang driver at nasabing obrero.

Lumalabas na “loaded” ang truck kaya tuluyang bumaligtad at nadaganan ng saku-sakong fertilizer ang mag-asawa at obrero na nasa harap ng tindahan.

Ayon sa pulisya, ­inamin umano ng driver ng truck na mayroon siyang hang-over at nakita rin sa sasakyan ang ilang bote ng alak.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide, serious physical injury and damage to property ang driver ng truck.

vuukle comment

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with