^

Probinsiya

Klase sa ilang paaralan sa Quezon, sinuspinde

Michelle Zoleta at Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SAN FRANCISCO, Quezon, Philippines — Dahil apektado na ang pag-aaral ng ilang mga kabataan sa bayang ito bunsod ng patuloy na sagupaan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at mga kasapi ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA), kinansela ng lokal na pamahalaan ang klase sa ilang paaralan sa mga barangay na malapit sa lugar ng karahasan.

Napilitan si ­Mayor Romulo Edaño na suspindihin ang pasok sa lahat ng paaralan sa mga barangay ng Butanguiad, Casay, Huyon-Uyon. Ayon kay Edaño, nagpasya siyang magdeklara ng class suspension upang masigurong ligtas ang mga residente, mga guro, lalo na ang mga kabataan.

Umabot na sa San Francisco ang sagupaan sa pagitan ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army at mga kasapi ng NPA na nagsimula sa kalapit-bayan ng San Andres noong Enero 27.

Humiling na rin ng tulong ang alkalde sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa mga ahensya ng pamahalaan upang ayudahan ang mga residenteng naipit sa gulo at umaasang matatapos na ito sa lalong madaling panahon.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with