^

Probinsiya

‘Peace covenant’ sa special election sa Cavite, nilagdaan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nagsagawa kamakalawa ng peace covenant signing sa ika-pitong Distrito ng lalawigang ito para sa gaganaping Special Election sa Pebrero 25, 2023.

Ginawa ang peace covenant sa loob ng ­Diocesan Shrine of Saint Agustine sa Poblacion 1 Tanza, Cavite at nagpalipad din ng mga kalapati bilang simbolo ng kapayapaan at kalayaan.

Layon ng nasabing peace covenant na masiguro ang isang malinis, matapat at mapayapang halalan sa tatlong bayan at isang lungsod ng Cavite na kinabibilangan ng Amadeo, Indang, Tanza at Trece Martires City.

Nanguna sa pagpirma ng peace covenant ang apat na kandidato ng ika-pitong Distrito ng Cavite na sina Cavite Board Member Crispin Diego Remulla, dating Trece Martires City Mayor Melencio “Jun” Sagun, Michael Angelo Santos at Jose Angelito Aguinaldo na kinatawanan ng kanyang maybahay na si Weng Aguinaldo.

Dumalo at pumirma rin sa nasabing peace covenant sina Calabarzon Regional Police director PBrig. Gen. Jose Melencio Nartalez Jr., Cavite Provincial Director PCol. Christopher F. Olzao; Atty. Mitzele Veron Morales-Castro, Comelec-Cavite provincial election supervisor at mga kinatawan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Coast Guard at Simbahan.

Sa panig ni Nartalez, umaasa ito sa mga kandidato na tutuparin nila ang nilalaman ng peace covenant at sa kanilang panig ay iiwasan ang partisan politics at  parehas na serbisyo sa bawat kandidato at  bigyan sila ng sapat ng proteksyon.

Sinabi naman ni Olazo, ang peace co­venant ay isang typical na gawain tuwing eleksyon. Hinikayat nito ang mga kandidato para sa isang malinis at mapayapang eleksiyon at iiwasan nila ang anumang dahas at respetuhin ang sanctity ng balota.

Para naman kay Comelec Election Supervisor Morales-Castro na implementor lamang sila ng batas at ang tunay na “player” ay ang mga kandidato at nasa kanila kung paano ito magi­ging malinis at mapayapa ang eleksyon.

vuukle comment

SPECIAL ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with