^

Probinsiya

5-anyos totoy nabaril sa kuwarto, patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
5-anyos totoy nabaril sa kuwarto, patay
Sa ulat, dakong alas-3:15 ng hapon, nakarinig ng putok ang isang Beverly Bisnar, kawani ng MTITAN Auto Supply sa kalapit na kuwartong tinutuluyan ng mag-anak na Villanueva.
File

MASBATE CITY, Masbate, Philippines — Patay ang isang 5-anyos na batang lalaki matapos mabaril sa loob mismo ng kanilang kuwartong tinutuluyan sa Tara Street, Brgy.Centro, Masbate City, Masbate kamakalawa ng hapon.

Isang tama ng punglo sa katawan ang tumapos sa buhay ng biktima na si John Clyde Danao Villanueva, residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-3:15 ng hapon, nakarinig ng putok ang isang Beverly Bisnar, kawani ng MTITAN Auto Supply sa kalapit na kuwartong tinutuluyan ng mag-anak na Villanueva.

Agad nilang pinuntahan ang silid at dito tumambad sa kanila ang duguan at walang malay na batang biktima kaya mabilis na isinugod sa Masbate Provincial Hospital pero idineklarang dead-on-arrival.

Rumesponde ang mga kasapi ng Masbate City Police at nakuha nila sa kuwarto ang isang kalibre 38 baril, limang bala at isang basyo ng bala ng naturang baril.

Iniimbestigahan pa kung sino ang nagmamay-ari ng baril at ang responsable sa pagkamatay ng bata.

vuukle comment

BARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with