^

Probinsiya

1-anyos tepok sa nasunog na bahay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
1-anyos tepok sa nasunog na bahay
Batay sa imbestigasyon ng Roxas City Police, iniwan ni Patrick Denobo, 19,  ang  anak na natutulog sa kanilang  bahay  upang sunduin ang  live-in partner na si Maricar Vensing, 19,  mula sa pinagtatrabahuhang computer shop.
File

MANILA, Philippines — Nakulong at namatay ang isang taong gulang na batang lalaki mula sa nasusunog nilang bahay  kamakalawa ng gabi sa Brgy. Mongpong, Roxas City, Capiz.

Batay sa imbestigasyon ng Roxas City Police, iniwan ni Patrick Denobo, 19,  ang  anak na natutulog sa kanilang  bahay  upang sunduin ang  live-in partner na si Maricar Vensing, 19,  mula sa pinagtatrabahuhang computer shop.

Makalipas ang ilang minuto, naabutan na lamang na nasusunog na ang kanilang bahay. Sinubukan pa ng mga magulang ng biktima at ka-barangay na iligtas ang bata subalit hindi na napasok ang bahay dahil sa laki na ng sunog.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang bahay.

Naapula lamang ang apoy nang duma­ting  ang  mga firetrucks ng Roxas City Burea of Fire Protection at narekober ang bangkay ng bata.

Ayon sa Roxas City BFP, posibleng ang naiwang kandila ng ama sa  ibabaw ng durabox ang sanhi ng sunog.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with