^

Probinsiya

Fast food crew sa Bacoor, pinabulagta

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay matapos barilin sa ulo ng ‘di nakilalang salarin ang isang 26-anyos na crew ng isang fast food chain habang naglalakad papasok na sana ng trabaho kahapon ng umaga sa Cyber Greenvalley, Brgy. Molino 3, Bacoor City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Roger Alveri Toretin, 26-anyos, fast food crew at residente ng Brgy. Greenvalley, San Nicolas 3, Bacoor City.

Hindi naman nakilala ang suspek matapos isa­gawa ang krimen ay mabilis na tumakas bitbit ang baril na ginamit.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:30 ng umaga habang naglalakad ang biktima patungo sa kaniyang trabaho nang lapitan ng suspek at barilin ng malapitan sa ulo sa may Cyber Greenvalley, Brgy. Molino 3.

Duguang tumimbuwang ang biktima habang mabilis na tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with