Davao Occidental niyanig ng magnitude 5 na lindol
MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Davao Occidental nitong Linggo ng hapon.
Sa inilabas ng bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nabatid na ang sentro ng tectonic tremor ay naitala may 21 kilometro timog-silangan ng Glan, Sarangani province dakong alas-12:23 ng hapon.
Anang Phivolcs, ang lindol ay may lalim na 27 kilometro.
Naramdaman ang Intensity III na lindol sa Jose Abad Santos at Sarangani, Davao Occidental; at Glan, Sarangani; at City of General Santos habang Intensity II sa Don Marcelino at Malita, Davao Occidental; Alabel, Kiamba, at Malapatan, Sarangani; at Polomolok, South Cotabato.
Wala namang naiulat na matinding pinsala ang lindol sa mga apektadong lugar, ngunit asahan na anila ang pagkakaroon ng mga aftershocks.
- Latest