^

Probinsiya

Mag-utol namutol ng puno, patay sa kuryente

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol namutol ng puno, patay sa kuryente
Sinubukan pang isugod ng mga residente sa Goa Municipal Infirmary pero parehong hindi na umabot nang buhay ang mga biktima na kinilalang sina Christopher Ligotan Mojado, 15-anyos at Greg Ligotan Mojado Jr., 12-anyos, kapwa residente ng naturang lugar.
STAR/File

GOA, Camarines Sur, Philippines — Kapwa nasawi ang magkapatid na batang lalaki matapos makuryente habang pinuputol ang isang puno ng saging sa Brgy. Panday, Goa, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Sinubukan pang isugod ng mga residente sa Goa Municipal Infirmary pero parehong hindi na umabot nang buhay ang mga biktima na kinilalang sina Christopher Ligotan Mojado, 15-anyos at Greg Ligotan Mojado Jr., 12-anyos, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa ulat, ala-1 ng hapon, sinubukan ng magkapatid na putulin ang puno ng saging sa likurang bahagi ng bahay ng nagngangalang Shannie Taduran.

Gayunman, nang maputol ay bumagsak ito sa kable ng kuryente dahilan para biglang nangisay ang mga biktima.

Mabilis naman silang sinaklolohan ng mga residente at isinugod sa pagamutan pero ideneklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

KURYENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with