^

Probinsiya

Sa sama ng panahon sa Kabikulan: 10 patay, P254 milyong nasira sa agrikultura at imprastraktura

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Umabot na sa P254,899,863 ang kabuuang danyos sa imprastruktura at agrikultura habang 10 katao ang nasawi at dalawa ang patuloy na nawawala dahil sa patuloy na nararanasang sama ng panahon sa buong Kabikulan.

Sa datos, inilabas ng Office of Civil Defense 5 sa pangunguna ni Regional Director Claudio Yucot ang naging danyos sa agrikultura sa buong rehiyon ay umabot na sa P88,903,217; sa lokal na imprastruktura ay uma­bot na sa P56,600,000 ang nasira mula sa mga bayan ng Goa at Caramoan sa lalawigan ng Camarines at sa bayan ng Juban sa Sorsogon.

Naitala naman ang P74-milyon danyos dahil sa pagkasira ng mga silid aralan at iba pang education infrastructure sa ilang bayan ng Camarines Norte at Masbate, habang umabot naman sa P35,096,665 ang mga nasirang kagamitan gaya ng furniture, educational materials, computer at iba pang mga electronics ng mga paaralan mula sa Camarines Norte, Masbate at Sorsogon.

Sampu naman ang naiulat na nasawi na karamihan ay sa pagkalunod sa karagatan sa mga lugar sa Jovellar, Albay; Talisay, Labo at Mercedes, Camarines Norte; Gubat,Sorsogon; Dimasalang, Masbate; Pili, San Jose at Naga City, Camarines Sur.

Patuloy namang pi­nag­hahanap ang nawa­walang magkapatid na mangingisda na sina Alfredo, 35, at Noli Alnaiz, 33, ng Brgy. San Roque, Pandan, Catanduanes na pumalaot sa gitna ng masungit na panahon noong madaling araw ng Enero 24 at hindi na nakabalik.

vuukle comment

AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with