^

Probinsiya

Quezon encounter: 4 todas, sundalo sugatan!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Quezon encounter: 4 todas, sundalo sugatan!
Ayon kay Lt. Col. Joel Jonson, commanding officer ng 85th Infantry Battalion, ng Philippine Army (PA), hindi pa natutukoy ang mga pagkakakilanlan ng mga napatay na rebelde dahil dinala ang mga ito ng kanilang mga kasama­han na tumakas pagkatapos ng engkuwentro na tumagal ng 45 minuto.
STAR/File

SAN ANDRES, Quezon, Philippines — Apat na miyembro umano ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) ang bumulagta samantalang isang sundalo ng pamahalaan ang nasugatan makaraang magkaengkuwentro sa Barangay Pansol ng bayang ito, kamakalawa.

Ayon kay Lt. Col. Joel Jonson, commanding officer ng 85th Infantry Battalion, ng Philippine Army (PA), hindi pa natutukoy ang mga pagkakakilanlan ng mga napatay na rebelde dahil dinala ang mga ito ng kanilang mga kasama­han na tumakas pagkatapos ng engkuwentro na tumagal ng 45 minuto.

Sa binti naman tinamaan ng bala ang isang sundalo na binigyan agad ng paunang lunas  bago dalhin sa ospital.

Sinabi naman ni Lt. Col. Hector Estolas, spokesman ng PA-2nd Infantry Division, dakong alas-3 ng hapon nang makasagupa ng tropa ng 85IB katuwang ang 2nd Quezon Police Mobile Force Company ang mga rebelde na nangha-harass umano ng mga sibilyan sa nasabing lugar.

Sinabi ng opisyal na nagsasagawa ng beripikasyon ang security forces sa napaulat na presensya ng mga armadong rebelde nang makaengkuwentro ang grupo ni Alejandro Pinpin na gumagamit ng mga alyas na “Ka Axel”,”Unyo”, “Pinpin”, “Julio” at “Mintoy”.

Nang malagasan ang mga bandido, agad silang nagsitakas tangay ang apat umano nilang kasamahan na nagtamo ng mga malalang tama sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Narekober sa lugar ng engkuwentro ang isang improvised explosive device (IED), tatlong piraso ng blasting cap, isang cellphone, isang short magazine, at tatlong bag na naglalaman ng mga personal na gamit at iba pang gamit pandigma. - Joy Cantos

vuukle comment

AFP

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with