^

Probinsiya

P13.9 milyong droga samsam sa matandang binata sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
P13.9 milyong droga samsam sa matandang binata sa Bulacan
Nakumpiska  pa sa target ang dalawang pakete ng high grade shabu na nakapaloob sa Chinese tea bag, buy-bust item na tumimbang ng kabuuang 2,050. grams, may estimated value P13,940,000 at buy-bust money.

MARILAO, Bulacan, Philippines — Arestado ang isang 44-anyos na binata na nabilhan at nahulihan ng P13,940,000 halaga ng iligal na droga sa joint buy-bust operation ng pulisya sa nasabing bayan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo ang suspek na si Marlon Navarro Palmario, tubong Tondo, Manila at residente ng Pangarap Village, Novaliches, Caloocan.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng Marilao police kasama ang PIU-Bulacan, SOU3-PDEG at PDEA 3 bandang alas-11:20 ng gabi nitong Enero 25, sa Brgy. Loma De Gato.

Ayon sa report, nabilhan ang target ng poseur buyer ng isang medium size knot tied transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu kaya ito inaresto.

Nakumpiska  pa sa target ang dalawang pakete ng high grade shabu na nakapaloob sa Chinese tea bag, buy-bust item na tumimbang ng kabuuang 2,050. grams, may estimated value P13,940,000 at buy-bust money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 Art.II ng RA 9165 habang nakakulong sa naturang istasyon.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with