^

Probinsiya

Babaeng nagpapa-gas, pinasabog ang bungo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsasagawa nga­yon ng manhunt operation ang pulisya laban sa la­laking pumatay sa isang babae matapos barilin nang malapitan habang nagpapakarga ng gas sa isang gasoline station sa Eastern Samar kamakalawa.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktima na si Beann Ada, 33, residente ng Brgy. Cansangaya dahil sa pagkabasag ng kanyang bungo bunga ng pagbaril ng ‘di pa kilalang gunman.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:30 ng umaga habang nagpapakarga ng gas ang biktima sa Caltex Station sa national road ng Brgy. 7 Can Avid nang barilin ng suspek.

Base sa kuha ng CCTV, dumating ang bik­tima sa nasabing ga­so­linahan at nakabuntot sa kanya ang suspek lulan ng motorsiklo.

Habang nagpapa-gas ang biktima ay  bumaba naman ang suspek sa motorsiklo na walang plate number. Nakasuot ng kulay itim na sweatshirt, kulay pula na sling bag at puti na tsinelas ang gunman.

Makikita na nag-uusap pa ang biktima at suspek hanggang sa sumakay ng motorsiklo ang una at doon na binaril sa ulo nang malapitan ng suspek.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa ngayon may persons of interest na ang pulisya at inaalam na ang motibo sa krimen.

vuukle comment

DEAD

GAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with