^

Probinsiya

400 solar-powered facility naipatayo sa Kabikulan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Umabot na sa 400 ang naitatayong solar powered level 2 water system facility sa mga malalayo at bulubundu­king lugar sa Kabikulan.

Ayon kay Ako Bicol Cong. Elizaldy Co, chairman ng committee on budget and appropriations ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, malaki na ang pakinabang ngayon ng publiko sa naipatayo nilang mga water system sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon. Binigyan nila ng prayoridad sa programa ay ang mga malalayong lugar na hindi pa inaabot ng mga water facility at water districts ng mga lokal na pamahalaan o bayan.

Nasa tatlong libo umano ang target nilang mabigyan ng water system sa buong rehiyon na karamihan ay ang mga sitio at barangay na walang source o pinagkukunan ng malinis na tubig.

Dagdag ng kongresista, ito ay tinatawag na level 2 na water system dahil solar powered na at hindi na kailangan ng kuryente para sa submersible pump at may tatlong stages ng filter system kung kaya hindi lang libre kundi malinis at ligtas na inumin ang tubig.

Dahil sa magandang programa, nabatid na naglaan na mismo ang Kamara sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez ng P10-bilyon sa 2023 national budget para mapagpatayuan na rin ng kaparehong water system facility ang malalayong lugar sa buong bansa.

vuukle comment

SOLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with