^

Probinsiya

Bantag sakay ng kabayo, lumutang sa Baguio!

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Mga tagasuporta muling dumagsa

BAGUIO CITY, Philippines — Mu­ling lumutang sa lalawigang ito ang kontrobersyal na dating hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag na nahaharap sa kasong pagpatay, at ang kanyang mga tagasuporta, kahapon ng umaga.

Bagama’t mas maliit ang kanilang bilang kum­para sa unang grupo na dumagsa kamakailan, ang pagtitipon ng mga pro-Bantag nitong Biyernes ay kapansin-pansin matapos dumating mismo si Bantag sa lugar sakay ng inupahan nitong kabayo mula sa isang sikat na lokasyon na Wright Park horse riding adventure. 

Marami ring mga supporters ni Bantag ang sakay ng kabayo na mag­kakasunod na duma­ting sa tuktok ng Session Road at magkakasabay na pumarada patungong Burnham Park. Hindi pa klaro kung ang mga ginamit na kabayo ay ang mga kontrobersyal na kaba­yong alaga ni Bantag sa New Bilibid Prisons (NBP) bago siya nasuspinde sa puwesto.

Nanguna sa pagkilos ang abogadong si Thomas Rocky Balisong, kasama ang ilang private lawyers na binubuo ng tinawag na “IlaBan” (Igorot Lawyers for Bantag), ang grupo ng Cordilleran legal professionals na binuo para depensahan si Bantag sa korte sa kanyang nakasampang kasong pagpatay sa beteranong brodkaster na si Percy Lapid ng “Lapid Fire”o Percival Mabasa sa totoong buhay. 

“We moved for inhibition against state prosecutors of the DOJ,” ayon kay Bantag at iginiit na isang pagkakamali na madiin siya sa nasabing kaso ng kasalukuyang administrasyon.

Ani Bantag, hindi ito kanyang laban kundi ma­ging ang lahat ng karaniwang Pilipino.

“Kung kaya nilang ga­win yan sa akin, how much more sa maliliit,” pahayag ni Bantag.

Ang mga kilalang vlogger na sina Banat By at da­ting OWWA administrator Mocha Uson ay dumalo sa nasabing gathering upang magpakita ng suporta para kay Bantag.

GERALD BANTAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with