^

Probinsiya

Babaeng kidnaper na ‘wanted’ sa Metro Manila, nasakote sa Palawan

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nalambat na ng mga operatiba ang babaeng wanted sa batas sa Metro Manila dahil sa kinasasakutang patung-patong na mga kaso kabilang ang “kidnapping-for-ransom,” sa ikinasang operasyon sa Palawan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay Brig. Gen. Sidney Hernia, police di­rector ng Mimaropa (Min­doro, Marinduque, Romblon, Palawan), ang suspek na nakilalang si Jai Sunshine Santos Chua, 37 anyos, ay hindi na nakapalag nang arestuhin ng raiding team.

Sinabi ni Hernia na si Chua ay nagtago sa loob ng mahigit tatlong taon bago siya tuluyang naaresto sa kanyang hideout sa Rizal Avenue, Brgy. Liwanag, Puerto Princesa City nitong Martes ng gabi.

Nabatid na bitbit ng tracker team ng pulisya ang tatlong magkakahiwalay na warrant of arrest ng kasong kidnapping for ransom na inisyu ng National Capital Judicial Region, Branch 69 at 70 sa Taguig City, noong Enero 31, Abril 19 at Abril 29, pawang noong 2019 na walang inirekomendang piyansa.

Bukod sa mga nabanggit na kaso, si Chua ay mayroon pang nakabin­bing mga warrants of arrest para sa 2-counts ng Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act in relation to PD 603, na mga inirekomendang piyansa na P10,000 bawat isa; at paglabag sa R.A. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) na may piyansang P300,000, na lahat ay inisyu ng National Capital Judicial Region, Branch 69 sa Taguig City noong Enero 31 at Pebrero 19, 2019, ayon sa pagkakasunod.

Ang wanted na si Chua ay sinasabing isa sa mga miyembro ng kilabot na criminal group na nagpapanggap na PDEA agents na sangkot sa mga extortion activities sa National Capital Region at Calabarzon.

KIDNAPPING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with